Si Dylan Tauber ay isang electronic musician, artist, at manunulat na may mga napanalunang award, siya ay nakabase sa NYC, Jerusalem, Miami, isang malayong isla sa timog kanlurang Pasipiko, at ngayon ay nasa hilagang Israel.
Nagsimulang lumikha si Dylan Tauber ng mga musika, likhang sining, at naging manunulat noong sinimulan niya ang kanyang 21 taong malikhaing karera noong 1996 na may mapaghangad na antolohiyang Double Mirrors, mayroon itong kasamang libro, video slide show, soundtrack, at website na www.DoubleMirrors.com. Ang proyektong Double Mirrors ay lumaki matapos ang ilang taon habang patuloy na pinag-aaralan ni Tauber ang pandiwang rebolusyon ng cyber.
Bilang karagdagan sa paglalabas ng labindalawang ambient / electronica trance na music album (libreng i-download lahat) sa pamamagitan ng kanyang Son of Waves Studios na music album, nagpapatakbo si Dylan ng labinsiyam na websites network kasama ang isang online imaging / photo gallery, at isang archive ng video. Ang mga network ng website na ito ay umabot ng higit 5.5 milyong page view simula noong 1996.
Nalibot ni Dylan ang buong mundo mula 2000-2001, na nagsimula at nagtapos sa Israel. Naglathala siya ng dalawang libro noong 2001, at dalawang ebook noong 2013. Isang libro ng larawan ng mga potograpiya ni Dylan at digital art ang inilathala noong 2005.
Noong 2015, nakumpleto ni Dylan Tauber ang kanyang ikawalong album na may pamagat na “Near Death Experience”. Noon ding 2015, inilabas ni Dylan ang kanyang ika-9 na album na may pamagat na “Dolphin Trance”. Noong 2016, nakumpleto ni Dylan ang kanyang bagong ika-10 album, ang “Dolphin Trance 2”, at ika-11 album na koleksyon ng kanyang pinakamagagandang tugtog simula 2006-2016 (ang ikalawang sampung taong karera ni Dylan Tauber). Ang bagong proyekto na ito ay purong electronic music na may mga umaawit.
Noong Oktubre 2017, inilabas ni Tauber rang kanyang ika-12 album na “Sounds from Space”, tampok ang mga ambient soundscape, at mga mang-aawit na sina Enlia at Francessca Belisario. Isang single mula sa album na ito ay “He Loves Carmen Remix (Radio Edit)”, na inilabas noong Hulyo 2017.
Ang musika ni Dylan ay itinampok sa higit 65 istasyon ng radio simula noong 2013, sinuri ng higit 40 publikasyon ng musika, at ang kanyang music video na “He Loves Carmen Remix (Radio Edit)” ay ipinakita sa Channel 98 TV sa Israel noong Disyembre 2017.
Ang “Son of Waves”: Isang screenplay / maiksing kuwento ni Dylan Tauber, ay inilabas noong 3/30/18 na mada-download ng libre. Isang audiobook ang inilabas para sa screenplay na “Son of Waves” noong 4/17/18, at mada-download din ng libre.
DylanTauber.com T- Shirts
There have been 1434307 visits to this site.
|
Please fill out the Survey to rate this site